|
Ang pangarap ko ngayon, ang pumunta sa isang kwarto na madilim, walang makikita kahit anino ko at hindi makikita kung gaano karaming balde ang iluha ko, tapos may shield ang kwarto kaya hindi maririnig kung ano man ang sabihin ko, walang makakarinig kahit magsalita ako ng PUTANGINAMO WORLD! PAGOD NA PAGOD NA AKO! Pagod na naman kasi talaga ako, imagine, hindi pa natatapos ang semester ko nag-uumpisa na agad, wala man lang akong bakasyon. Pagkatapos kong magpaka-alila sa mga walang kwenta at may favoritism na mga profesor ito na naman ang burden. Ewan. Nakakapagod din. At kapag nasabi ko na na PUTANGINAMO WORLD! PAGOD NA PAGOD NA AKO! Lalabas ako ng kwarto. Wala na ang luha, walang nakakita, walang nakarinig ng sinabi ko. Ayun, magpapaka-alila na naman ako sa mundong ito na hindi ko mawari ang ritmo't galaw at nais nitong tunguhin. |
| Leave a Comment: |