Wednesday, August 29, 2007
Ang lalaking mukhang bao ang buhok

 

Noong first year ako, may 8am class ako tuwing Martes at Biyernes, PE 'yun. Nakakatamad gumising ng umaga, second sem pa 'yun kaya malamig, ang hirap gumising. Mabuti na lang, masasayang kasama ang mga kaklase ko, mababait sila hindi tulad ng iba kong mga naging kaklase.

 

Sa PE na 'yun kailangan umattend kami ng 2 camping at isang outdoor activity game. Yung sa dalawang camping, nagpunta kami sa Tarlac at Zambales habang dun sa outdoor game, sa Sta. Lucia Mall, nag-bowling kami.

 

Kapag naaalala ko ang PE naming 'yun, yung Camping, marami akong naaalala. Doon nagsimula ang krisis na naramdaman ko tungkol sa buhay, doon nagsimula ang pagtatanong ko sa existence ng panginoon, ewan ko ba, naimpluwensyahan yata ako nun nina Nietzsche at Sartre, dun din ako inaway-away ng prof ko na eventually eh naging kaibigan ko hanggang ngayon.

 

Noong unang araw din sa PE na 'yun, naaalala ko na na-late ako. Akala ko kasi, ang Vanguard nasa Gym. Tatanga-tanga pa ko nun, first year lang kasi ako. Buti na lang tinuro sa akin ng guard kung saan talaga.

 

Pagpasok ko sa classroom sa Vanguard, may isang lalaki agad akong nakita, nakaputing damit na may salamin, tapos may bangs pa, ang baduy, parang bao ang buhok. Nagrereview siya nun, nag-aaral, nagbabasa ng readings.

 

Sa Tarlac, noong unang camping naming, naalala ko ang niluto naming mixed vegetables, masarap siya turo kasi 'yun ng nanay ko. 'Yung ibang grupo nagluto ng meatballs, 'yung iba nuggets lang at 'yung isang grupo sinigang na tanghali pa lang eh niluto na ang ulam nila na panggabi. Mapapanis daw kasi ang mga sangkap nila. 'Yung grupong nagluto ng sinigang eh tinawag naming sinigang group, tuwing naaalala ko 'yun ngayon natatawa pa din ako, ah oo nga pala, kagrupo nila yung lalaking parang bao ang buhok.

 

Minsang kumakain akong mag-isa sa Vinzons, nakita ko ang kagrupo ko sa camping na si Cat, binati niya ko, kumakain din kasi sila ng mga kasama niya, kasama nga pala niya ang lalaking parang bao ang buhok, magkaibigan nga pala sila, silang dalawa ang lagi kong nakikita sa classroom na nagbabasa ng readings.

 

Nung sumunod na Camping sa Zambales, jeep lang ang sinakyan namin. Ang natatandaan ko, dalawang beses nasiraan ang jeep kaya't wala kaming magawa kundi magkwentuhan lang tungkol sa showbiz at pulitika, alam niyo naman ako basta usapang show biz madaming alam, maikukwento ko sa inyo ang buong buhay ni Juday. 'Yung lalaking mukhang bao ang buhok kasakay naming at nagkukwentuhan kami tungkol kay Erap, sabi ko "Ikinahihiya natin ang dropped out ng ateneo dahil sa isnag kasalanang hindi pa sigurado pero ang isang babaeng napakasinungaling at mandaraya na may nunal sa mukha eh parang sinasamba pa natin." Sabi naman nung lalaking mukhang bao ang buhok, "lahat naman ng pulitiko eh ganyan." "Anong bang course mo, sabi ko?" "Public Ad, pero dating Applied Physics." "Aba, ikaw pala ang magbabangon sa ekonomiya at pulitika at maging sa bayang Pilipinas," sabi ko. Hindi siya sumagot, siguro'y nagkaroon siya ng pangitain sa kahihinatnan.

 

Sa Zambales, nung nagsuswimming na kami, lumapit sa akin ang lalaking mukhang bao ang buhok, humihingi siya ng alcohol, sikat na sikat kasi ako biolang banidoso na lagging may dalang vanity kit at hindi lang basta basta 'yun dahil kahon yun na yari sa banig na may ribbon pa na nakapulupot. Sabi ko sa lalaking mukhang bao ang buhok, puntahan mo na lang sa may tent ko, nandoon yun sa vanity kit ko, alam mo naman kung ano yun di ba? 'yung alcohol na tinutukoy ko eh 'yung isopropyl na mabango, 'yung lagi kong dala na laging pinagkakamalang mineral water. May tiwala ako sa lalaking mukhang bao ang buhok kaya pinabayaan ko lang siya na kunin yung alcohol sa bag ko.

 

Isang araw kumakain akong mag-isa sa may Lola Lita's, dumating ang lalaking mukhang bao ang buhok, mag-isa lang din siya kaya't nagtabi na kami sa isang table. Nagkwentuhan kami tungkol sa application para sa isang org. Nag-aaply pala sila ni Cat dun sa org na 'yun at ako naman nirerecruit ng kagrupo ko sa camping na ewan ko ba kung anong nalunok at sobrang hyper sa lahat ng bagay, parang si wonderwoman, nung unang kita naming sa beach sa Pundaquit sa Zambales, naghubad agad ang hitad at nagpahid ng sunblock para magswimming at skin diving agad. Pero balik tayo sa lalaking mukhang bao ang buhok, sabi niya, apply tayo, sabi ko naman, sige ita-try ko.

 

Pagkatapos nung umagang nagkasabay kaming kumain, lagi na kaming nagkakasabay sa pagkain dun sa Lola Lita's, paborito niyang kumain dun, ang sabi niya kasi, "mura na, marami pa, masarap pa, oh di ba? San ka pa?"

 

Tulad ng napag-usapan, sabay na kaming nag-apply nung lalaking mukhang bao ang buhok sa isang org, noong una parang sabi ko, parang hindi naman ako welcome sa org na 'yun, kapag tumatambay ako parang wala lang ako. Itutuloy ko pa ba? Sabi naman nung lalaking mukhang bao, tuloy na tayo, tingnan mo nga yang isinama mong applicant na kaklase din namin PE, ang kapal na agad ng mukha, pati mga officer at member ng org inaaway.

 

Naging batchmates kami ng lalaking mukhang bao ang buhok sa org na 'yun, lagi kaming nagkikita-kita ng mga batchmates ko para mag-usap usap, dun kami nagkikita-kita sa Kamia Steps.

 

Dumating ang batch project naming, planado na ang lahat nang biglang nagmaganda ang batchmate naming, may sakit daw siya kaya hindi na siya tutuloy at ang naka-assign sa kanyang pagkain wala na rin. Tatlo na lang kaming aplikanteng natira, nagpanic na kami nung mga oras na 'yun, punta agad sa Philcoa para bumili ng tinapay, mahadera at adelantada talaga 'yung batchmate naming 'yun.

 

Natapos ang batch project, tagumpay kami. Formal interview, talent's night at challenge day na lang, miyembro na kami. Pero sa mga panahong 'yun hindi kami nakakalimot sa Diyos, tuwing 6pm pupunta kami sa UP Chapel para magsimba, ako, 'yung lalaking mukhang bao ang buhok at si Jam, magsisimba kami at pagkatapos hihilahin si Jam papuntang Lutong bahay para maghalo-halo habang si Jam naman nagpapapilit na madami daw siyang gagawin at may pagkain daw na naghihintay sa kanya sa Sampaguita Residence Hall.

 

Natapos ang Second Semester, dumating ang Summer, hindi pa din tapos ang application process naming, kulang pa din ng Challenge Day at Talent's Night. Nung summer, pagkatapso ng klase, magkikita agad kami nung lalaking mukhang bao ang buhok sa tambayan ng inaaplyan naming org, mag-uusap kami tungkol sa talent's night namin, wala si Jam, busy sa Intern niya kaya kami lang nung lalaking mukhang bao ang buhok ang nagmimeet. Naaalala ko pa nun, lagi kaming nagkukwentuhan tungkol sa mga subject naming nung summer, pinagtatawanan namin ang isang prof sa PanPil na maliit na mataba na parang galit sa mundo na weirdo pero mabait naman daw 'yun pumayag na magprerog siya, yun nga lang hindi siya binigyan ng classcard, sa internet na lang daw niya tingnan. Pinagkukwentuhan din namin ang Stat101 niya na ang aga-aga, 7am. Sa pagkukwentuhan naming, nadadamay pati pulitika at showbiz, ang Star in a Million na batch nila Sheryn Regis, paborito naming 'yun, pati su Juday ikukwento ko, pati pulitika kina Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo na pinagtatalunan pa din namin. Ayaw kasi niyang maniwala na isa si Aguinaldo sa utak sa pagpatay kay Bonifacio. Ayaw niyang maniwala eh hindi naman pala siya nag-KAS1. Takot siya sa history, ayaw daw niya nun. 'Yung mga gabing 'yun inaabot kami ng 8pm sa tambayan para lang magkwentuhan, naaabutan pa namin si Maan at ang kaklase namin sa PE na si Betty na dumadaan mula sa CWTS nila. Pagkatapos magkwentuhan, kakain kami sa Lola Lita's, pupunuin naming ng tubig sa Lola Lita's ang dala-dala naming bote ng mineral water na binili namin sa matabang babae sa kiosk na salbahe na bungal naman, wala pa si ate marie nun eh. Nagtatago pa kami sa pagkuha ng tubig baka kasi pagalitan kami, tapos tatawa kami ng tatawa kapag puno na. Pareho pa kasi kami nung nakatira sa Area2 sa may Shopping Center kaya kahit gabihin kami okay lang.

 

Minsan naman sa jollibee kami kakain, matakaw yun eh oorder ng super meal. Pero ang hindi ko malilimutan eh nung nag-McDo kami, natapon ang pagkain niya eh di nabasa lahat, pero mabait yung manager, pinalitan niya ang sinabawang fries at burger. Habang kumakain kami nun, may sinabi siya sa akin, baka daw tumigil na siya sa pag-aaral, magtatrabaho daw muna siya, hindi ko alam kung anong problema niya, ayokong makialam, nahihiya ako at natatakot magtanong, hindi ko pa alam nun na wala pala tatay niya, sinabi lang din sa akin ng mga ka-org ko na nagdrama pala sa kanila 'yun habang kumakain ng isaw. Ngayon napagtagpi-tagpi ko na ang lahat, kaya pala binalak niyang tumigil dahil ganun ang siste pero buti naayos ang gusot. Ang sabi ko sa kanya nun, "ano ka ba, sayang anman, malapit ka nang maggraduate apat na sem na lang graduate ka na." Hindi siya sumagot.

 

Ngayon, iniisip ko, pano kaya kung tumigil nga siya, siyempre hindi mangyayari 'yung nangyari ngayon, nasan kaya siya ngayon? Baka nangungulit na namang manlibre, ganun naman 'yun  eh lagi nangungulit manlibre. O kaya naman manghihingi ng tissue at alcohol total dun naman kami naging close sa pagkakaroon ko ng vanity kit na hindi lang vanity kit kundi kahon na yari sa banig na may ribbon pa na nakatali.

 

Nitong mga nakaraang araw, napansin kong nag-iba na siya, naging mas lalong masayahin. Kahit ang org, kahit kaunti lang kami naging masayahin at bonded bilang isang pamilya, bilang Gutierrez family.

 

Mabait siya, mabait siya, lagi ko siyang inaasar kay Marco pero natatawa lang siya, lagi ko siyang niloloko pero hindi siya lumalaban, mahaba ang pasensya niya kasi mabait nga siya, praktikal pa, nag-aaway kami dahil sa pagka-praktikal niya tulad nung sa kotse na cash o installment, pero yung away nay un parang away magkapatid lang.  

 

Sa mga pagpapalibre namin tulad nung siomai ni ate jen, at sa mga gala namin, ang mga DH sa Trinoma, ang ihaw trippings sa IHAWAN, ang jollibee with shire, ang UP Chapel escapade natin nila Jam, ang tawanan sa pagdedekwat ng tubig sa Lola Lita's, ang ginataang French fries na naligo sa coke sa McDo, ang Chef d Angelo natin nila Ate Jen, Swazie, Betty, Kim Chi, Ate Janeth at Mura, ang ChoKiss gimmick natin nina Nessa, Marco at Mike, ang Ikot rides natin nila Aby Theresa Licaros, ang pangungutang mo lagi sa akin na magkukunwari akong magagalit pero pauutangin naman kita, ang panghihiram mo ng VCD ng Liveshow Toro ni Jose Javier Reyes at ang The Phantom of the Opera, ang pagtakbo natin sa Challenge Day, ang pagkain ng langgam at ang paglambitin sa may Lagoon, ang pagmamadali natin papuntang Mang Jimmy's na tinawag kong Mister Jimmy's para hindi tayo ubusan ng pagkain ng mga orgmate natin, ang pagkaasar natin kay *tooot* pero atin na lang yun at kay swazie, putanginamo lalaking mukhang bao ang buhok, lahat ng 'yun nakakamiss, lahat ng 'yun mamimiss ko, pinapaiyak mo ko, gago ka talaga. Lahat kami may kanya-kanyang experience sa'yo, sila sa apricot scrub, sa isaw, kay anjo ni kim chi o aby theresa licaros. Iba ka kasi, iba ka.

 

Nung Huwebes, nagyayaya kang kumain, sabi ko masakit ang tiyan at ulo kaya uwi na lang tayong tatlo nila ate mj. Sa jeep, may kinuwento ka, yung bayad mo sa land lady niyo, sabi mo ginamit mo na ang one month advanced mo. Hindi ko na-gets agad na dahil aalis ka na pala. Nung nasa jeep tayo papuntang Philcoa, magpapaprint ka nun, hindi na tayo nag-usap pero parang napapansin kong tumitingin ka sa akin, seryoso ka, parang may gusto kang sabihin, hindi kita pinansin, pagbaba natin, nag-bye ako sabay alis, hindi na ko na hinintay ang pag-bye mo. Hindi ko alam na 'yun na pala ang huli nating pagkikita.

 

Papaano kung sinamahan ka namin ni Mura na kumain sa fast food? Naikwento mo kaya sa amin? Nasabi mo kaya? Parang gusto mo kasing sabihin. Kapag pinag-uuspaan natin si B na kaklase mo dati sa Eng10 na miyembro na pala ng isang frat, sasabihin mo kaya na pinilit ka na nilang sumali at sumali ka naman? Hindi ko pinansin ang mga sinabi mo na may pumipilit sa'yo noon dahil alam kong hindi ka sasali.  

 

Kahapon may nagtext sa akin, isang orgmate natin, akala ko nagbibiro siya, wala kasi sa tipo mo ang sasali dun. Tinawagan kita, walang sumasagot. Pakingshet, dapat hindi na lang, dapat hindi na lang ikaw, masaya naman tayo sa GFam di ba? Masaya ka naman sa piling ng UP Sandigan di ba? Ikaw pa ang pumilit sa akin na tumuloy sa SANDIGAN, dapat walang iwanan ang batch natin nila Jam.  

 

Hayop ang ginawa nila sa'yo. Para kang hayop na tinuring ng mga walang hiyang 'yun. Hindi na sila naawa sa manipis mong katawan, hayop sila, hayop sila! Walang awa, hindi na nila narinig ang hiyaw mo, itinuloy pa din nila ang pagpatay sa'yo, hindi nila pinakinggan ang hikbi mo, ang tawag mo, ang panalangin sa Diyos na itigil na ang walang pakundangang pagpalo, paghataw, pagkalmot, pagtusok, pagpatay, pagpatay… Hindi ka nila tinigilan. Itim na itim kang iniwan sa ospital, magang-maga ang buo mong katawan, kaawa-awa ang ginawa nila sa'yo, mag-isa kang nagpalipas ng umaga, walang kasama, walang kumalinga, pinagpiyestahan ng ilaw at tela sa hospital at morgue. Kinaya mo ang mag-isa, ang maglipas ng umaga nang nag-iisa, walang gamit, walang kakilala, inabandonang katawan, pinatay. 'Yung mga hayop na 'yun. Binaboy ka, sinayang ang mga pangarap mo. Walang silang awa, walang puso.

 

Gusto kong sumigaw, humingi ng hustisya para sa ginawa nila! Hindi na sila naawa sa'yo, sa amin, sa amin na mga nagmamahal at nagmahal sa'yo. Ngayon, hindi kami titigil, bibigyan ka namin ng hustisya sampu ng mga kasama ko sa UP Sandigan, ang pamilya mo, natin. Kasam pa ang iba't ibang organisasyon na kinabilangan mo, ang Pagdumala, PULSE, USC.

 

Hindi kami titigil hanggat hindi ka nagkakaroon ng hustisya, hangga't hindi naibabalik ang lahat sa tama. Ikaw CA, ang lalaking mukhang bao ang buhok, ang mga biktima ng hazing, ang mga walang awang pinatay dahil sa hazing, umasa kayo sa hustisya!

 

Paalam CA, ang lalaking mukhang bao ang buhok nang una kong makita, may utang ka pa sa akin, limang piso yata o sampu, nung bumili ka yata ng burger kay Ate Marie. Gago ka, iniwan mo kami, iniwan mo ang GFam, iniwan mo ang Sandigan. Pinaiiyak mo kami sa pagkawala mo.

 

Paalam Cris Anthony Mendez. Paalam aming Nora. Paalam CA.

 




Posted by ubermensch at 02:49 pm

Name
November 1, 2008   10:07 AM PDT
 
awawaswaswaswaswaswaswaswaswaswaswaswawwass
ako
August 10, 2008   03:14 AM PDT
 
Ngayon ko lang nabasa 'to. I decided to google about Cris dahil pinalabas sa Sine Totoo yung feature ni Jessica Soho about hazing.

It's been almost a year na pala. I was so enraged then when it happened. I'm still enraged now. Sa pagkakaalam ko, wala pang developments right?

Nakakaasar yang mga Sigma Rho na yan. To think na most of them are aspiring to be lawmakers at lawyers!

At justification ba naman ng isang SR na kala mo e napaka-idealistic e kung magbibigay daw sila ng any useful info para sa case e they will be committing injustice sa masasangkot dahil hindi naman daw nila alam ang details ng pangyayari that night. Yeah right! As if yun ang reason kung bakit ayaw nilang magbigay ng any info! Mga walang hiya silang lahat!
observer
September 24, 2007   02:45 PM PDT
 
here’s a blog about cris’ life before joining that frat. it might help place things/discussions about why he joined. thanks. yup, he loved sandigan people. lalo na yung isaw times ninyo. may text syang iniwan about it.

http://onatsgarcia.multiply.com/journal/item/10/A_life_less_ordinary_Cris_Anthony_Mendez_20
issa
September 12, 2007   10:42 PM PDT
 
bakit nga kaya di nya nasabi sa inyo na sasali sya? siguro dahil alam nyang pipigilan nyo sya diba? kakapanghinayang, muka syang mabait. of course di ko sya kilala personally but parang napakadali nyang kasama at kausap.

nangilabot ako sa part na sinabi mong INIWAN SYANG ITIM NA ITIM sa ospital..ganun kalala? basta na lang sya iniwang parang namatay na pusa?

tama maigi pa yun isyu kay Malu Fernandez pinagpyestahan pero bakit itong may namatay parang wala silang mga pakialam?? kakagalit! kakapanghinayang! i have a 7 yr old son and my husband is a frat man but both of us agree that we won't let our son join any fraternity..never!
chinggay
September 7, 2007   06:32 PM PDT
 
i heard the guy PA was ordered by brods to leave the country asap
EDGE
September 6, 2007   06:09 PM PDT
 
Pwede nyong ma-trace lahat ng nag-txt at namilit kay Cris na sumali. Basta may court order kayo, Globe or Smart can trace all those who texted him and eventually pwede nyo ring malaman kung saan sila nagtatago thru GPRS.

PLS. GAWIN NIYO NA BAGO PA SILA LUMABAS NG BANSA!!
WALA KASI KONG NABALITAAN NA MAY HOLD DEPARTURE ORDER SA MGA SUSPECTS.

anti-hazing mom
September 4, 2007   10:05 AM PDT
 
I am just enraged how people are silenced by this senseless killings. The Malu Fernandez brouhaha has elicited more response, to think that nobody died from reading her stupid article. If frats/sororities, fratmen and women are serious about ending this tradition of violence, my challenge is this: that your frat or sorority release a condemnation of these hazings and a commitment to a hazing-free initiation rites.

I have just read the official statemet of the UP Law Student body on the death of Mendez and this is what I have to say: cut the crap!! I have enough of your cry for temperance. This is the only statement I need to hear from you and your orgs: WE CONDEMN HAZING AND WE WILL NEVER CONDUCT HAZING FOR INITIATION RITES EVER AGAIN. Simple and clear, you don’t have to be a lawyer to say that!!!
Name
September 3, 2007   12:48 PM PDT
 
Ituloy nyo ang laban. Huwag nyo hayaang mabaon sa limot ang alaala nya
JK :)
September 2, 2007   12:12 AM PDT
 
My condolences to you and CA's other friends. I never knew him personally but your story is more than enough to let me know how he has touched your lives when he was still alive.

God bless you and all his loved ones. I will pray for his soul and justice.

Keep on fighting for him, please.

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments









Previous Entry Home Next Entry

Blind to all but his pleasure, she bent over him, her hair falling, her mouth near his penis, continuing the motion of her hands and at the same time licking the tip of the penis each time it passed within reach of her tongue- this, until his body began to tremble and raised itself to be consumed by her hands and mouth, to be annihilated, and the semen would come, like little waves breaking on the sand, one rolling upon another, little waves of salty foam unrolling on the beach of her hands. Then she closed the spent penis tenderly in her mouth, to cull the precious liquid of love. - Anais Nin



   

Counters
Counters



Blogdrive